Sunday, April 26, 2015

Magiging Ganto din ang MC ko....




      #Dream... Believe... Success


      Ito ang mga uri ng disenyo ng Yamaha na nais kong ilapat sa aking MC (motorcycle). Bukod sa napakaganda ng mga motor na ito, ang isa sa pinakanagustuhan ko sa model na ito (kung inyong napapansin sa mga larawan). Ang kanyang tambutso(pipe) ay mataas at nasa ilalim ng upuan, kung saan ay nakakatulong upang makaiwas sa baha at iwas bangga at gasgas sapagkat ito ay tago di tulad ng ibang disenyo. 
      Isa sa problema ko sa aking motor ay ang kanyang tambutso na nakalagay sa kanang ibabang bahagi sa hulihan ng aking motor na kalimitang sumasabit at nagagasgas kapag ako ay sumisingit habang nagmamaneho na nagsasanhi upang matanggal ang kanyang takip "cover".
      Ang mga motor na nasa larawan ay masyadong mahal kung inyong bibilhin. Kaya balak ko nalang ipagaya o "replica" ang mga model na ito sa mga magagaling na "modifier".
     Ako ay isang rider na mahihilig sa magagandang model ng motor, ngunit ako din ang uri ng rider na hindi kumikita ng malaking salapi upang makapundar ng ganyang kagagandang motor. Kaya ako nakukuntento nalang sa mga replika na lamang. Hindi ko kelangan ang magagandang "specification" nya sapagkat hindi naman ako karerista o "racer". Kuntento na ako na maging kamukha ng motor ko ang mga ito...kahit hindi simbilis, katulad nga ng sinabi ko kanina hindi ako "racer" kundi "rider" lang po ang inyong lingkod.

"NEVER LET GO OF YOUR DREAMS..."

credits to: Yamaha R1 Images